A friend of mine sent this to me... wala akong magawa kaya pinost ko na lang...
Nakakatawa talaga ang love. Isa siya
napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong
masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo di ba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo
naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang
rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero
kaya
mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang.
Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only
for
stupid people.” Nakakatawa kasi cumlaude ang
standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-
love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya
ngayon.
Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging
oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron
lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng
malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang,
nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam,
nagiging Mother Theresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang
malulungkot, sumasaya. Ang matitigas,
lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na
madalas nama’y malambot.)
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating
siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin
ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love
ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko
na ma-in-love!” biglang WACHA! Ayan na siya.
Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng
ibang tao, ang galing galing mo? Pero pag
problema mo na yung pinag-uusapan parang
nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa
namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang
mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang
wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nagsasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon
ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na
eh!” “Ang sarap
mabuhay. Pwede na ko mamatay.
Now na!”
At hindi lang yon. Ang sarap din pagtawanan ng
mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila
eh magpapatihulog pa rin sa bangin
ng pag-ibig.
Tapos pag luray-luray na yung puso nila, syempre
hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit
niya ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok
sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga
bagay na nakakatawa pag pag-ibig na ang pinag-
uusapan. Ang daming beses ko na kasi siyang
nakakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na
ko. Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang
katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil
siguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.
Hay life...
....So True
6 comments:
loved it :) hehe
nde ako expert jan.. (--,)
Yan ang misteryo ng pagmamahal. Teka, misteryoso nga ba ang pagibig?
These are the same exact reasons why you want to love still... or not anymore. Complicated, right? That's why, I steer away from things complicated leaving me single and jaded. lol
anyway, just blog hopping. :)
View As Web Page
was reading your comments, i decided to read the post again...
***background music - bleeding love - leona lewis***
<< eugene >>
i loved it too. sobrang nakakarelate ako..
<< chyng >>
ako feeling feelingan lang.. sa friends.. pero pag ako na ang pinag-uusapan, pwede next topic..
<< erin >>
hmmm.. yata...
<< comment deleted >>
bakit dinelete ung comment ha?
<< joaqui >>
love is complicated indeed, we then sometimes we accept that complications ng pagmamahal dahil ang sarap ng feeling ng pagmamahal...
hayz.. love nga nmn...
Post a Comment