The Jeepney Chronicles...
Ang mataba at payat sa mga jeepney drivers - walang pinagkaiba.
Sa isang jeep, kapag ang capacity ng bawat side ng jeep, eh lets say 10 bawat side, kapag may sumakay na sobrang lusog na tao na pang dalawahan ang bayad, kailangan sampu pa rin ang uupo dun.
Sa terminal, kapag ganun ang sitwasyon, hindi kayo aalis hanggat hindi puno yon. kahit magreklamo ang mga taong masikip na. Kapag may sumakay na, ayan cge aalis na. Pero kapag ang malas na pasaherong yon na hindi makaupo ng mabuti dahil ni hindi maipasok ang kalahati ng kanyang puwet sa kaliit-liitang espasyong nilaan sa kanya ay bumaba na lang bago pa buksan ni manong driver ang kanyang jeep, dun lang nila mare-realize na, di na talaga pwedeng siksikan pa.
Suklian laban sa kulang.
Ang mga drayber pag kulang ang pamasahe mo, agad agarang sasabihin saung kulang ang pamasahe mo na akala mo milyones ang kulang. Pero pag kulang ang sukli na binigay sayo, aba ang iba, deadma to the max. Malas mo pa kapag nasa dulo ka ng mahabang jeep. Salamat sa mga mababaet na pasaherong nakikisigaw sa kulang mong sukli.
Mga pasaherong tamad.
Pag dalawa lang kau sa jeep. At pareho kaung malayo sa driver. Pero yung isa mas malayo sau. Hay pag nagbayad sya. Ipapaabot pa sayo. At ikaw pa ang lalapit sa driver para magbayad! Haller! Mabuti sana kung walking impaired ka at maiintindihan kita pero hello, ikaw kaya ang lumapit...
At ang drayber na tamad.
Pag ikaw naman ang malapit sa driver. Aba tumigil ka at wag tatamad tamad dyan. Mag-abot ng pamasahe. Lalo na at ang driver eh ayaw mag-extend ng arms para kunin ang mga pamasahe.
Upong otso-singkwenta lang po.
Kamusta naman ang fieldtrip ha? At ang upo eh parang nagssight seeing lang ng mga building at mga taong palakad lakad? With the matching wind effect pa sa hair na, hello, mahaba ang hair mo at tumatama sa katabi mo yung hair mo. Pwede pagupit mo na lang yan kung di mo ma-manage? Pasalamat ka wala akong gunting o lighter!
At ang mga bukaka nyo feeling naman ang lalaki nya. Feeling nyo naman! Ano naman ang pinagmamalaki nyo dyan, o baka takot kaung maipit yan?
Sa tabi lang po.
Manong, gusto ko pang mabuhay. Hindi naman eto race track! Tapos may papara. Kamusta naman manong, gusto mong maging close kami sau ha. At kawawa naman ung pinakamalapit na pasahero sau naipit na.
O ikaw naman manong, ang layo mo naman magbaba. Parang kulang na lang sumakay ako pabalik! Pwede bang pakibalik na lang pamasahe ko kung ganon? O magdadahilan ka pa na bawal magbaba dun eh parang may ibang jeep na nagbababa dun ah. Ako pa lokohin mo araw araw akong bumababa dito..
8 comments:
Pinakabadtrip ako dun sa mga pasaherong mag-aabot sana ng pamasahe ng iba pero parang walang nakikinig.
Sarap batukan at sabihing "pakisama naman."
I can totally relate to some of these. I hate those guys who spread their legs so much without considering that he is taking too much space. I also think of the same thing. Wtf! :)
kainis din yung ang bilis ng takbo tapos biglang preno! mega-subsob o hagis ka papunta sa harap kapag di ka nakakapit.
at yung paundut-undot ang takbo dahil namamasahero. lahat ng nakatayo sa tabi ng daan hinihintuan kahit hindi pumapara. kainis lalo na kung nagmamadali ka.
at ang driver na paranoid.. i encountered this kind. pucha hinto ng hinto. feeling nia may pumapara daw!
may bingi din na drayber. tae.
**mugen >> true. mga walang pakelam...
**joaqui_miguel >> ha ha ha.
**aris >> asar ako sa ganun. kulang na lang sabihin mo sa driver, hindi nmn pumapara bakit tinitigilan mo?
**chyng >> dapat sa mental yan!
**prinsesamusang >> tapos lakas pa magpatugtog! sigawan to! ha ha..
My Gosh!!! di ko kinaya yung nag yoyosi sa loob ng jeep... parang walang pakialam sa ibang nakasakay na pasahero... nakakainiz talaga yun Lalu na sa mga di nag yoyosi na kagaya ko.. sana e lugar naman ang bisyo noh... hehehe
@ Aris
Agree ako jan!! may experience ako at friend ko nyan... sa kadaldalan nmin biglang pumreno ang jeep... Buti na lang naka kapit ako ng bunggang bunga day!!! yun tuloy yung friend ko pinulot ko sa likuran ng driver dahil nag mala Charle's Angel na gumulong gulong talaga ang palaka papunta sa harap hahahahahaha
Post a Comment