A Dot in the Universe...

My photo
are you looking for me? or am i supposed to look for you?
Showing posts with label Reality Check. Show all posts
Showing posts with label Reality Check. Show all posts

Monday, March 15, 2010

ang mahalaga...

alam ko naman na mali.

maling mali.

pero hindi ko napigilan.

sinubukan ko pigilan.

nagustuhan ko rin.

pero kahit na gusto ko.

nasasaktan ako.

sobra.

bawat oras.

bawat minuto.

bawat sandali.

ok lang na masaktan.

totoo naman.

hindi ko lang matanggap.

ang kalokahang ipinipilit kong ipasok.

sa puso at sa isip ko.



ilang beses din.

ilang pagkakataon din.

may nasirang pagkakaibibigan.

may masisira pang pagkakaibigan.

hindi lang yung pagkakaibigan namin.

pati yung atin.



handa naman ako.

kung paano ka nilaglag ng minahal mo.

ganun din ako.

alam ko naman na pwedeng dumating dito.

ok na to.

matatanggap ko rin to.

mauuntog din ako.

matututo din ako.

patuloy na uusad.

patuloy na lalakad.

patuloy na makikipagsapalaran.



ayoko lang na dumating ang oras.

wala na ako maramdaman.

na kahit ano.

sa kahit kanino.

kahit kailan.

at kahit saan.




ang mahalaga sakin.

kahit minsan sa aking buhay.

nagpakatotoo ako.

Sunday, February 8, 2009

The Valentine's Day Spirit


i told myself i that am not pressured. nor concerned about valentines. and as of this writing, i believe that valentines has been more commercialized with all the valentine themes and that crap. 

for bloggers, as the valentine's spirit looms nearer and nearer, what best way to get into the feel of it is to write their own valentine's story. may it be their childhood puppy love story. their blooming relationship. their past relationships. their heartbreaks. and just everything in between the letters L and E...

and me, the unconcerned, living my single life, happy, workaholic guy,  getting to read these posts, makes me feel single. more single. ha ha.

sabi ko na eh. wag magbasa ng posts na ganun eh. background music pa, "i stay in love"

in short. im going emo today. shit. 

**cheers to single awareness day**

Sunday, November 9, 2008

The Elevator Diaries

GROUND FLOOR - ang haba nmn ng pila. kamusta nmn kung nagmamadali ka. pwede ka naman mag-stairs, pero kung ang floor na pupuntahan mo eh 30th floor, hindi kaya dapat magdala ka na rin ng shampoo at sabon habang umaakyat ka? o.. o.. ikaw, manong, bulag ka? nakapila kami, baka gusto mong pumila din? after 20 years, ayan nakasakay na... o ikaw, wag mo nang ipilit! overweight na! ano ba? wag mung gamitin style mo sa mrt dito! 

FIRST FLOOR - grabe nmn ang init. hay naku bakit pag ganitong oras laging sira ang airconditioning dito sa elevator? kamusta nmn pawis na pawis to katabi ko, at nakadikit pa ang braso nya sakin! waaah! para naman taung nasa oven nito ang labas namin eh tustadong tao! ano nmn kaya lasa non?

SECOND - THIRD - FOURTH FLOOR - uy! sosyalan! may radio pala sa loob ng elevator. ngek! hindi pala. si kuyang call center agent pala. ang lakas magpatugtog. at infairness, disturbia pa ang song ha. hmmm. at ang lakad paglabas ng elevator pa-men na pa-men... nyahahah..

FIFTH - SIXTH - SEVENTH - EIGHTH - NINTH FLOOR - hala! nagrereact react ka dyan mam? ano? seventh floor ka? eh bakit hindi ka nagsasabi? eh kasi ang layo mo sa pindutan? eh di sana nakisuyo ka. tapos ngayon nagpapanic ka at lumampas ka. tapos lalabas ka na ng elevator na nagdadabog? ok ka lang? umayos!

TENTH - ELEVENTH - TWELFTH - THIRTEENTH FLOOR - asan nga ba ung 13th floor? baka nmn may portal dyan papunta sa ibang dimension? o baka puro mumu jan?

FOURTEENTH - FIFTEENTH - SIXTEENTH... TWENTIETH FLOOR - ayan. lumuwag luwag din. hay. relief. hoy! ang ingay nyo! kayo lang tao dito sa elevator? ano kala nyo sakin multo? apparition? lakas pang magtawanan! o tama na ang tawanan. hindi kayo nakatuwa! at kulang ako ng tulog! o ayan na floor nya. o muntik ka pang maipit, pano kasi inuuna pa ang tawa kesa sa paglabas ng elevator! anu ba!

TWENTY - FIRST... TWENTY - SEVENTH FLOOR - aaaa... aaaachooo! ano ba nmn yan! sino ba nmn kasi ang hindi naligo? sabi na kasi at dapat nag-stairs ka na lang. binilhan pa kita ng sabon at shampoo! ayan kung sino sinong humahatsing! nagkakalat pa ng virus! kasi sa susunod dapat bawal sumakay ang hindi pa naliligo! pag yang amoy mo kumapit sakin, baka ako pang mapagbintangang hindi naliligo!

TWENTY - EIGHTH... THIRTY - SECOND FLOOR - shit! wala nmng ganyanan! sa lahat nmn ng floors na tiigil ka at mamatayan ng ilaw eh dito pa sa taas taas! kasi nmn dapat kasi may maintenance check kau! oh ano? balak nyo kaming tumambay dito? ha? e may phobia pa nmn ako sa mga closed spaces! kamusta ka ha? eh pano kung pagbukas ng ilaw bigla na lang lumabas ung multong nakatalikod at dahan dahang haharap sau? ha? ano? buti na lang may kasama akong gwapo dito. makausap nga...

THIRTY - THIRD FLOOR - ayan. umandar din. tsk. di nako nasanay eh araw araw nmn to nangyayari. at least nakausap ko si hunky guy... hay ilang floors na lang, malapit na ako.. sana malayo pa ang floor neto para... shit. potah. ambaho ah. anak naman. gwapo ka sana pero anu ba yan! hindi ka na ba makatiis? o talagang involuntary na ang manners mo? shit. at ang kapal pa ng mukha mong magtakip ng ilong samantalang dalawa lang tau dito, at obviously hindi ko gagawin yon! grabe! ano bang kinain mo? sobra ha! shit. dali dali, baka mahimatay ako... 34th.. 35th.. 36th.. ayan! 37th! bilis bilis, ubos na hininga ako... hindi ko na kayang pigilin pa...

waaaah. nakalabas din!

sigh! fresh air!

Monday, October 6, 2008

The ATM Monologues

Mga ilang eksena, hindi naman totally nakakainis, well.. nakakainis lang pag araw ng sweldo! He he he...

May quicksand ba ang bag mo?

San ba nakasuksok ng todo todo ang ATM mo at mas matagal pa ang paghalungkat mo sa bag mo sa pagwithdraw mo sa ATM? You had all the time to get it tapos ngayon mo lang kukunin now na its your turn na? C'mon, pwede pumila ka na lang uli tapos don mo simulan halungkatin ang bag mo?

May TV show ba dyan sa ATM?

At ano naman ang pinapanood mo dyan at nakatitig ka lang? Hooked na hooked ka ah! May Eat Bulaga ba dyan o Wowowee? Pumindot ka, hindi nangangagat yan! Nangangain lang... ng card! Ha ha! 

O ginawa mo naman keyboard yan?

Magbasa muna kasi bago pindot ng pindot. Kung di mo maintindihan English, may Taglish naman. O kaya Tagalog. Don't tell me Chiinese and German lang alam mo? Excited kasi masyado sa cash eh. 

Milyones ba yan ha?

Aba't panglimang withdraw mo na yan? Balak mong ubusin ang pera sa ATM? O hindi pa naman alas-3, baka gusto mong mag-over-the-counter na lang? Di naman milyon ang i-wi-withdraw namin..Italic

Di yan dadami...

Hala, balak mo pang mag-magic? David Blaine ba kamo? Balak mong dumoble ung pera mo dyan sa ATM. Naku, hindi nya kaya yan. Baka gusto mo ikaw ba ang mawalan ng pera, kakatitig mo sa screen ng ATM? O baka matunaw ang resibong tinitignan mo?

Wag pilitin!

Kung ayaw ng ATM... wag pilitin... At kung hindi kaya ng laman sa ATM... mas lalong wag pilitin!

Thursday, September 11, 2008

What My Future Holds...

I was thinking of whether to continue a post that I was planning long time ago when I stepped into our house and saw my daddy reading the newspaper. I took a piece of pandesal, said hi to him and then he asked me a question, just a few steps before I hit the stairs...

"Ayaw mo ba talagang mag-aral uli? Kahit kami magbabayad.."

I stared with a blank face and gave him no answer. I went straight to me room. Took my shoes off and wore my slippers and I said to myself...

"Pag sinabi kong MED, kaya mo ba?"

I seriously didn't think he'd be able to pay for it. That's why I decided to work and took another route in my life. Instead of taking Med school, I decided to take a Masteral degree... And with a couple of units left and a dreaded thesis, I am currently on AWOL after I took one sem on LOA... 

This has been a frequent discussion between me and my dad. Had I not stopped school (my Masters), we wouldn't be talking about this issue over and ove. He kept on asking me why did I stop. Why was I not planning to finish it. And all that. But I never did answer any of them...

When I talked to one of my MS (Master of Science) friends, she asked me, when was I coming back. I honestly told her that I wasn't coming back. Nor did I have planning of finishing it or getting a degree. And with her I was able to open up the reason why. 

"I just lost the passion. Perhaps the momentum as well."

I dunno. I just don't feel like studying what I was taking. But sometimes when I see those articles on Wikipedia, those scientific articles and journals archived in my hard drives and the collection of books I have amassed, I always get this exciting feeling of knowing things that I needed to know. The pressure of working it. The fun after a long exhilarating week of lab work.

Last night I was talking to my bestfriend, he opened up the idea of me taking Medicine. Something he really wanted for me. Well, I guess he wanted me to be a doctor like I wanted him to be a Lawyer, that's why he's in Law School. I would really love to. But then, I am really absorbed by the fact that we might not be able to sustain my studies financially. And it may come to a point wherein I'd lost my passion again... Hope not.

Yeah, they'd told me that. Scholarship. But then, although I love being pressured, I feel the pressure is different. And I'm not as brilliant as others there. I once was offered a scholarship from a med school, but my brother and father did not agree to it. Probably because of the reputation. 

Waaah. Now my minds a blur. I dunno what to do. Anyways, I still have til June of next year to decide. For now, I'd concentrate on my work.




Sunday, September 7, 2008

The Jeepney Chronicles

The Jeepney Chronicles...

Ang mataba at payat sa mga jeepney drivers - walang pinagkaiba.

Sa isang jeep, kapag ang capacity ng bawat side ng jeep, eh lets say 10 bawat side, kapag may sumakay na sobrang lusog na tao na pang dalawahan ang bayad, kailangan sampu pa rin ang uupo dun. 

Sa terminal, kapag ganun ang sitwasyon, hindi kayo aalis hanggat hindi puno yon. kahit magreklamo ang mga taong masikip na. Kapag may sumakay na, ayan cge aalis na. Pero kapag ang malas na pasaherong yon na hindi makaupo ng mabuti dahil ni hindi maipasok ang kalahati ng kanyang puwet sa kaliit-liitang espasyong nilaan sa kanya ay bumaba na lang bago pa buksan ni manong driver ang kanyang jeep, dun lang nila mare-realize na, di na talaga pwedeng siksikan pa.

Suklian laban sa kulang.

Ang mga drayber pag kulang ang pamasahe mo, agad agarang sasabihin saung kulang ang pamasahe mo na akala mo milyones ang kulang. Pero pag kulang ang sukli na binigay sayo, aba ang iba, deadma to the max. Malas mo pa kapag nasa dulo ka ng mahabang jeep. Salamat sa mga mababaet na pasaherong nakikisigaw sa kulang mong sukli.

Mga pasaherong tamad.

Pag dalawa lang kau sa jeep. At pareho kaung malayo sa driver. Pero yung isa mas malayo sau. Hay pag nagbayad sya. Ipapaabot pa sayo. At ikaw pa ang lalapit sa driver para magbayad! Haller! Mabuti sana kung walking impaired ka at maiintindihan kita pero hello, ikaw kaya ang lumapit...

At ang drayber na tamad.

Pag ikaw naman ang malapit sa driver. Aba tumigil ka at wag tatamad tamad dyan. Mag-abot ng pamasahe. Lalo na at ang driver eh ayaw mag-extend ng arms para kunin ang mga pamasahe.

Upong otso-singkwenta lang po.

Kamusta naman ang fieldtrip ha? At ang upo eh parang nagssight seeing lang ng mga building at mga taong palakad lakad? With the matching wind effect pa sa hair na, hello, mahaba ang hair mo at tumatama sa katabi mo yung hair mo. Pwede pagupit mo na lang yan kung di mo ma-manage? Pasalamat ka wala akong gunting o lighter!

At ang mga bukaka nyo feeling naman ang lalaki nya. Feeling nyo naman! Ano naman ang pinagmamalaki nyo dyan, o baka takot kaung maipit yan? 

Sa tabi lang po.

Manong, gusto ko pang mabuhay. Hindi naman eto race track! Tapos may papara. Kamusta naman manong, gusto mong maging close kami sau ha. At kawawa naman ung pinakamalapit na pasahero sau naipit na. 

O ikaw naman manong, ang layo mo naman magbaba. Parang kulang na lang sumakay ako pabalik! Pwede bang pakibalik na lang pamasahe ko kung ganon? O magdadahilan ka pa na bawal magbaba dun eh parang may ibang jeep na nagbababa dun ah. Ako pa lokohin mo araw araw akong bumababa dito..

Thursday, August 28, 2008

Hagdan

tuwing uuwi kami ng officemate ko from work, lagi kaming sasakay ng mrt. from boni station, ako bababa ng north ave station, sya naman ay sa cubao. lagi nga naming napag-uusapan ung lady guard sa mrt na uber sungit at nakakainis magcheck ng bag. nandun din ang mga taong nakapwesto at nagbebenta ng kung ano ano... kasama ang kanilang asawa ang mga paslit na bata.

kahapon ng umaga, eksaktong pag-akyat namin sa taas. nakita namin ng kasama ko ang isang batang babae. mga 2 taon pa lang. naglalakad. palaboy laboy dun. napansin ng kasama ko na yung bata eh papunta sa hagdan (ung daanan sa pioneer woodlands showroom). dahil ang kasama ko eh, uber bait and concerned. napasigaw sya ng konti at tinawag ung bata.

"uy san ka ba pupunta, wag ka dyan"

hindi tumigil ang bata, patuloy sa paglakad. dahil doon, hinabol ng kasama ko ang bata at pinigilan bago pa ito makarating sa mismong hagdan. pinaharap nya yung bata sa kabilang direksyon. ang bata naman, tumingin sa nanay nyang parang walang pakealam sa kanyang anak. tumakbo ang bata pabalik sa kanyang nanay.

"ano ba nmn yang nanay na yan, anak ng anak, hindi naman maalagaan"

"uu nga, tapos tinatawag lang nya ung anak nya, as if naman pakikinggan nung bata"

"oo nga. aanga-anga ka dyan (i was pertaining to the mom), tapos may nangyari sa anak mo iiyak-iyak ka"

"oo nga..."

(at the back of my mind, mas mahalaga pa ba ang paninda mo kesa sa mga anak mo? kaya ka nga nagttrabaho eh para sa mga anak mo...)

the incident disappeared from our senses that fast, as the thought of the lady guard and her "kasungitan" bothered us...

Monday, August 25, 2008

wall-e

i just came home from trinoma. me and my bestfriend watched wall-e... last full show. sobrang cute and funny.

one thing i noticed was they never played the national anthem anymore. di ba dati pag last full show, they would play the anthem with the video. everybody would stand and just wait til the its done and then the movie will start or if not, more trailers will be shown.


pero kanina wala. andami nang trailers na pinakita, pero wala yun.

ganun na ba yun? sorry, ngayon lang uli ako nakapanood ng movie na last full show. smile!

cute nung mga robots! bibili nga ako nung miniature na robots na yun. ha ha...

Tuesday, August 19, 2008

Kama

Ilang minuto na lang at hatinggabi na. Napilit akong bumaba dala ng gutom na hindi ko napawi nung oras ng hapunan. Ako ay nasa Trinoma nung mga oras na iyon. Habang minumuni-muni ko ang pocherong inihanda ng aking ina, napansin ko ang pulang ilaw sa telebisyon. Kinuha ko ang remote. Sabay pindot sa power at bumukas ang telebisyon.

Matagal na rin akong hindi nakakapanood ng telebisyon nang tuloy-tuloy. At minsan kapag ako ay napapadaan sa harap ng telebisyon, ang pinapalabas Eat Bulaga o kung ano mang palabas matapos ang Eat Bulaga. Magagawa kong tumambay sa harap ng telebisyon, maglipat at magtingin sa ibang istasyon, ngunit makaraan ang ilang minuto, bibitawan ko na ng remote at aakyat sa kwarto ko ang lulunrin ang sarili sa mundo ng internet.

Ngunit kanina, hindi ito nangyari. Umupo ako ng matagal, dala ang hapunan at inabangan ang susunod na programa...

I-witness. Wow. Interesante. Sige tuloy lang ang panonood... Uy, si Kara David ang gumawa ng dokumentaryong ito. Sobrang interesante. Tuloy lang.

Pier 16. Yun ang pamagat ng dokumentaryo nya. Inilahad nya ang kwento ng tatlong pamilyang naninirahan sa Pier 16. Walang bahay. Walang maayos na tirahan. Kundi sa ilalim at sa ibabaw lang ni mga truck.

Nang inilahad ni Kara ang kwento ni Lenard at ang kanyang nanay, sobra akong kinilabutan. Hindi sa dahil natatakot ako, kundi dahil naaawa ako sa kanila. Tuwing gabi, magpapalipat-lipat sila ng truck na tutulugan, sapagkat halos lahat ng truck doon ay bumibiyahe. Dala-dala ang kanilang mga damit at ang karton na nagsisilbi nilang higaan, kapag aalis na ang truck, agad silang babangon at maghahanap ng bagong truck na matutulugan.

Pag oras ng kainan, hindi sila kumakain sa plato. Sa plastik. Ang dahilan? Para kung sakali na may dumating na mga manghuhuli, kaagad silang makakaalis at makakapagtago. Si Lenard, na 6 na taon pa lang, ay maswerteng pinapag-aral ng kanyang magulang (yun kasing apat na anak nung ikatlong pamilya na kasama sa dokyu, ni isa, hindi nag-aaral). Kamakailan nga lang nalaman ng guro niya na sa Pier 16 sila nakatira.

Nung kausapin ni Kara si Lenard, lalo akong naawa sa estado nung bata. Nung tanungin sya ni Kara, "anong gusto mo paglaki mo?" Ang sagot niya "Barko." Nang muling tinanong ni Kara "anong gusto mong trabaho paglaki mo?" "Bahay," ang naisagot nung bata. Gusto pala nyang mag-ayos ng bahay. Gusto nung bata na sa bahay sya. Gusto nya ng bahay. Nabanggit pa nya na gusto nya ng kama. Malaking kama. Tunay na nakahahabag.

Galing pala sial sa probinsya. At tulad ng ibang galing sa kani-kanilang probinsya, umasa sila na magiging maayos ang buhay nila dito sa Maynila. Bagamat marami kanila ang ganoon pa rin ang pag-iisip, ang nanay ni Lenard, hindi. Napag-tunton nya na wala kang paroroonan dito sa Maynila hanggat wala kang trabaho. Nabanggit nyang gusto nilang bumalik sa probinsya. Dahil doon may bahay sila. May matitirhan. May mahihigaan. Nag-iipon lamang sila ng pamasahe para sila ay makabalik sa tunay nilang tahanan. Kung saan walang manghuhuli. At hindi kelangang magpalipat-lipat.

Bago matapos ang dokyu ni Kara David, muling pinakita ang mag-ina. Si Lenard, na kahit na ganoon ang kanilang buhay, ay nagagawa pa ring tumawa at magsaya... at higit sa lahat magpasalamat sa taas...

Reality Check lang po.