A Dot in the Universe...

My photo
are you looking for me? or am i supposed to look for you?

Thursday, August 28, 2008

Hagdan

tuwing uuwi kami ng officemate ko from work, lagi kaming sasakay ng mrt. from boni station, ako bababa ng north ave station, sya naman ay sa cubao. lagi nga naming napag-uusapan ung lady guard sa mrt na uber sungit at nakakainis magcheck ng bag. nandun din ang mga taong nakapwesto at nagbebenta ng kung ano ano... kasama ang kanilang asawa ang mga paslit na bata.

kahapon ng umaga, eksaktong pag-akyat namin sa taas. nakita namin ng kasama ko ang isang batang babae. mga 2 taon pa lang. naglalakad. palaboy laboy dun. napansin ng kasama ko na yung bata eh papunta sa hagdan (ung daanan sa pioneer woodlands showroom). dahil ang kasama ko eh, uber bait and concerned. napasigaw sya ng konti at tinawag ung bata.

"uy san ka ba pupunta, wag ka dyan"

hindi tumigil ang bata, patuloy sa paglakad. dahil doon, hinabol ng kasama ko ang bata at pinigilan bago pa ito makarating sa mismong hagdan. pinaharap nya yung bata sa kabilang direksyon. ang bata naman, tumingin sa nanay nyang parang walang pakealam sa kanyang anak. tumakbo ang bata pabalik sa kanyang nanay.

"ano ba nmn yang nanay na yan, anak ng anak, hindi naman maalagaan"

"uu nga, tapos tinatawag lang nya ung anak nya, as if naman pakikinggan nung bata"

"oo nga. aanga-anga ka dyan (i was pertaining to the mom), tapos may nangyari sa anak mo iiyak-iyak ka"

"oo nga..."

(at the back of my mind, mas mahalaga pa ba ang paninda mo kesa sa mga anak mo? kaya ka nga nagttrabaho eh para sa mga anak mo...)

the incident disappeared from our senses that fast, as the thought of the lady guard and her "kasungitan" bothered us...

5 comments:

ArchieMD said...

heart-wrenching minsan...

wait till you experience seeing indigent patients in government hospitals...

sometimes, they even cannot afford to buy a tablet of Biogesic...

Jake said...

I agree with archiemd. My Doc M would even volunteer to give money to his patients to buy medicine. I'm advising against that practice since I find it unethical; and bseides, the indigent patient can always seek help from other government entities. But Doc M would still do it anyway.

Joaqui said...

Right. That lady guard there can be such a witch. hehehe

Anonymous said...

nakakabwisit talaga ang mga magulang na pabaya... sarap batukan!

Looking For The Source said...

archiemd true. nakakaawa. pero kasi minsan, i can't help it na di sila sisihin. ayun.

jake tornado sorry ha. bakit bawal or should i say bakit unethical? hmmmp. government entities? ano nmn magagawa nila.

joaqui_miguel i see that you had your share of her kasungitan. kainis no.

prinsesamusang gusto ko ngang sabihan ung nanay nung bata eh. kaso nahiya ako.