A Dot in the Universe...

My photo
are you looking for me? or am i supposed to look for you?

Tuesday, August 19, 2008

Kama

Ilang minuto na lang at hatinggabi na. Napilit akong bumaba dala ng gutom na hindi ko napawi nung oras ng hapunan. Ako ay nasa Trinoma nung mga oras na iyon. Habang minumuni-muni ko ang pocherong inihanda ng aking ina, napansin ko ang pulang ilaw sa telebisyon. Kinuha ko ang remote. Sabay pindot sa power at bumukas ang telebisyon.

Matagal na rin akong hindi nakakapanood ng telebisyon nang tuloy-tuloy. At minsan kapag ako ay napapadaan sa harap ng telebisyon, ang pinapalabas Eat Bulaga o kung ano mang palabas matapos ang Eat Bulaga. Magagawa kong tumambay sa harap ng telebisyon, maglipat at magtingin sa ibang istasyon, ngunit makaraan ang ilang minuto, bibitawan ko na ng remote at aakyat sa kwarto ko ang lulunrin ang sarili sa mundo ng internet.

Ngunit kanina, hindi ito nangyari. Umupo ako ng matagal, dala ang hapunan at inabangan ang susunod na programa...

I-witness. Wow. Interesante. Sige tuloy lang ang panonood... Uy, si Kara David ang gumawa ng dokumentaryong ito. Sobrang interesante. Tuloy lang.

Pier 16. Yun ang pamagat ng dokumentaryo nya. Inilahad nya ang kwento ng tatlong pamilyang naninirahan sa Pier 16. Walang bahay. Walang maayos na tirahan. Kundi sa ilalim at sa ibabaw lang ni mga truck.

Nang inilahad ni Kara ang kwento ni Lenard at ang kanyang nanay, sobra akong kinilabutan. Hindi sa dahil natatakot ako, kundi dahil naaawa ako sa kanila. Tuwing gabi, magpapalipat-lipat sila ng truck na tutulugan, sapagkat halos lahat ng truck doon ay bumibiyahe. Dala-dala ang kanilang mga damit at ang karton na nagsisilbi nilang higaan, kapag aalis na ang truck, agad silang babangon at maghahanap ng bagong truck na matutulugan.

Pag oras ng kainan, hindi sila kumakain sa plato. Sa plastik. Ang dahilan? Para kung sakali na may dumating na mga manghuhuli, kaagad silang makakaalis at makakapagtago. Si Lenard, na 6 na taon pa lang, ay maswerteng pinapag-aral ng kanyang magulang (yun kasing apat na anak nung ikatlong pamilya na kasama sa dokyu, ni isa, hindi nag-aaral). Kamakailan nga lang nalaman ng guro niya na sa Pier 16 sila nakatira.

Nung kausapin ni Kara si Lenard, lalo akong naawa sa estado nung bata. Nung tanungin sya ni Kara, "anong gusto mo paglaki mo?" Ang sagot niya "Barko." Nang muling tinanong ni Kara "anong gusto mong trabaho paglaki mo?" "Bahay," ang naisagot nung bata. Gusto pala nyang mag-ayos ng bahay. Gusto nung bata na sa bahay sya. Gusto nya ng bahay. Nabanggit pa nya na gusto nya ng kama. Malaking kama. Tunay na nakahahabag.

Galing pala sial sa probinsya. At tulad ng ibang galing sa kani-kanilang probinsya, umasa sila na magiging maayos ang buhay nila dito sa Maynila. Bagamat marami kanila ang ganoon pa rin ang pag-iisip, ang nanay ni Lenard, hindi. Napag-tunton nya na wala kang paroroonan dito sa Maynila hanggat wala kang trabaho. Nabanggit nyang gusto nilang bumalik sa probinsya. Dahil doon may bahay sila. May matitirhan. May mahihigaan. Nag-iipon lamang sila ng pamasahe para sila ay makabalik sa tunay nilang tahanan. Kung saan walang manghuhuli. At hindi kelangang magpalipat-lipat.

Bago matapos ang dokyu ni Kara David, muling pinakita ang mag-ina. Si Lenard, na kahit na ganoon ang kanilang buhay, ay nagagawa pa ring tumawa at magsaya... at higit sa lahat magpasalamat sa taas...

Reality Check lang po.

3 comments:

erin de la cruz said...

Naway magpatuloy si Lenard sa kanyang pagiging masiyahin. Alam ng Panginoong Diyos kung sino ang karapat-dapat bigyan ng mga biyaya. =) Napaisip tuloy ako, kelan nga ba ako huling nagsimba?

. said...

Reality check nga. Thank you for this refreshing entry.

Kelan tayo labas?

Looking For The Source said...

erin ^^ uu nga... sana nga... mabigyan nga ng kama! nyahahaha...

mugen ^^ welcome. aba seryoso ka sa paglabas? hmmm.. why not. email kita..