A Dot in the Universe...

My photo
are you looking for me? or am i supposed to look for you?

Monday, October 6, 2008

The ATM Monologues

Mga ilang eksena, hindi naman totally nakakainis, well.. nakakainis lang pag araw ng sweldo! He he he...

May quicksand ba ang bag mo?

San ba nakasuksok ng todo todo ang ATM mo at mas matagal pa ang paghalungkat mo sa bag mo sa pagwithdraw mo sa ATM? You had all the time to get it tapos ngayon mo lang kukunin now na its your turn na? C'mon, pwede pumila ka na lang uli tapos don mo simulan halungkatin ang bag mo?

May TV show ba dyan sa ATM?

At ano naman ang pinapanood mo dyan at nakatitig ka lang? Hooked na hooked ka ah! May Eat Bulaga ba dyan o Wowowee? Pumindot ka, hindi nangangagat yan! Nangangain lang... ng card! Ha ha! 

O ginawa mo naman keyboard yan?

Magbasa muna kasi bago pindot ng pindot. Kung di mo maintindihan English, may Taglish naman. O kaya Tagalog. Don't tell me Chiinese and German lang alam mo? Excited kasi masyado sa cash eh. 

Milyones ba yan ha?

Aba't panglimang withdraw mo na yan? Balak mong ubusin ang pera sa ATM? O hindi pa naman alas-3, baka gusto mong mag-over-the-counter na lang? Di naman milyon ang i-wi-withdraw namin..Italic

Di yan dadami...

Hala, balak mo pang mag-magic? David Blaine ba kamo? Balak mong dumoble ung pera mo dyan sa ATM. Naku, hindi nya kaya yan. Baka gusto mo ikaw ba ang mawalan ng pera, kakatitig mo sa screen ng ATM? O baka matunaw ang resibong tinitignan mo?

Wag pilitin!

Kung ayaw ng ATM... wag pilitin... At kung hindi kaya ng laman sa ATM... mas lalong wag pilitin!

16 comments:

Joaqui said...

Hahaha

Though I never experienced this personally, it's amusing. :)

. said...

Badtrip ako dun sa mababagal mag-withdraw saka dun sa andaming beses mag-withdraw.

Kaya madalas, pumupunta ako sa ATM na walang pila, kahit medyo malaki ang fee na kelangan ko bayaran.

Savage Heart said...

Ayy agree aku dito.. nakaka bwisit minsan yung nakita na ngang zero balance ang nasa receipt nila uuletin pa e ganun din naman ang lalabas.. ggrrrr....

Ely said...

hehehe, same observation here. sana lang ready na ang card habang nakapila, sana diretso widraw na, wag na mag-account balance pa. sana minsanan lang magwidraw.

ako hinahanap ko pinakatagong ATM kasi dun wala masiyado pila. at ndi ako sumasabay sa mga pumipila ng kinsenas o katapusan.

Jake said...

You definitely hit the mark with precise observation!

It only goes to show how most of Pinoys experience the technology of ATM as yet an uncharted course. I've had experiences before of being in line behind guys who were willing to spend an entire hour infront of an ATM machine!

Continue posting. :)

[G] said...

hahaha this is so true!..

lucas said...

ahahaha! nakakahiya at nakakainis nga yung una. hehehe! lalo na kapag may mga kasunod ka. hehehe!

---

thanks, mate for the compliment :)

odin hood said...

wala ako atm card.. so ive never experienced this. the first one parang nakakainis nga yun hehe

Boying Opaw said...

ang kinaiinisan ko ay iyong ATM machines na nagsasalita...

they make me feel like i'm dope...

hahaha...

Niel said...

Nakakita ka na ba na tatlo sila sabay nagwiwithdraw? Tapos nagtuturuan pa kung ano pipindutin. Dapat kasi banks should give ATM lessons. Dapat tinuturo din kung paano gamitin yung "FASTCASH" button.

Tapos pag turn mo na bigla mag o-offline or wala na cash yung ATM. Patay!

We're lucky, hindi sabay inilalabas yung sweldo namin during regular paydays.

Anonymous said...

funny, and true.

this is exactly why I don't withdraw money on payday.

Looking For The Source said...

@joaqui_miguel :: you soon will...

@mugen :: dapat nga may timer yun eh, pag lumampas ka sa given time, cge labas, pila ka uli!

@ronnan tristan :: ha ha ha. sarap pagsabihan...

@ely :: hay naku lalu na mga babaeng andaming dala at andaming laman ng bag... (pasintabi sa mga natatamaan!)

@jake tornado :: dapat to tinuturo sa school... hmmm.. ha ha.. anong subject kaya yan? ha ha..

@gibo :: yeah. tapos badtrip pa lalo na kung nagmamadali ka..

@roneiluke, rn :: kulang na lang tulungan mo sya. o kaya ilabas lahat ng laman ng bag nya. ay wait, baka nmn natamaan ka? sorry naman!

@boying :: now press the key of your desired transaction.. get your card and transaction slip. bwisit! ganyan sa bank ko!

@niel camhalla :: threesome! ha ha ha... kasi ung iba, hindi nagbabasa ng directions, eh hindi nmn mahirap magbasa at umintindi..

@katcarneo :: true. pila pa lang. tapos pagdating mo, ubos na cash sa ATM! argh!

ALL: thanks sa pagdaan, pagbasa at pagcomment!

Robb said...

Haha. Loved the way you elaborated on those "weird" attitudes on the ATM. Creative.

the spool artist said...

hilarious! i've experienced almost everything posted here!

and don't forget that atm machines themselves have their own stories to tell... like how accurately they are offline during 15th and end of the month! hehehe

A.Dimaano said...

"Milyones ba yan ha?" - this cracked me up. LOL! Ganito ako mag-isip kapag may matagal mag-withdraw. Gusto ko sabihin na - "Ilang milyon ba yang wini-withdraw mo at ang tagal?"

Nice post =)

Looking For The Source said...

@robb :: thanks! thanks for visiting my blog!

@the spool artists :: yeah. nagkkwento pa nga cla eh.. "hi im your metrobank blah blah.. at your service 24 hours a day 7 days a week.. yun n lang lagi kwento nila.. nyahaha..

so true. like now. kung kelan sweldo, offline ung ATM sa office. argh!

@mr. scheez :: although guilty ako one time sa ganyan, minsan kasi nakakainis ung andami kung magwidraw pwede nmn i-over the counter. ha ha. thanks for visiting!